Painting of Fernando Amorsolo

“Singkwenta Y Uno”

Painting of Fernando Amorsolo
Man With Cockerel (1938) by Fernando Amorsolo

edad,
kung baga sa kawayan,
taga sa panahon.
kung sa puno’y
umugat ng malalim.

tulad ng bundok,
matayog na tinatanaw ang dagat.
o kalawakan ng himpapawid,
kaulayaw ang hangin, ang sinag, ang unos at daluyong.
parang bulaklak, nagsaboy ng binhi, nagsisibol ng bunga.

edad,
hutok sa karanasan
pinanday ng panahon
hindi matitinag, hindi magmamaliw.

tuloy ang mahabang lakbay
hanggang sa dulo ng bagnos
kalayaan ay naghihintay!


Martina Santos is a seasoned community organizer, researcher, lecturer, and writer. A staunch paladin for the poor, the marginalized, and the abused, Martina spends much of her time aiding others in need. She also loves travelling, gardening, and cooking.
4+
Share this page

Leave a Reply