Two children on a beach.

“Pilipinas”

Two children on a beach.

Mahal mo nga ba sya?
Bakit nakatikom ang bibig
Sa panggagahasa sa kanya?
Mahal mo nga ba sya?
Bakit nakapikit ang mga mata
Sa karalitaan niya?
Mahal mo nga ba sya?
Bakit nakatakip ang taenga
Sa pananaghoy niya?
Mahal mo nga ba siya?
Bakit likas yaman niya
Ay kapakinabangan ng iba?
Mahal mo nga ba siya?
Bakit ang pagkain, Inumin,
At Kalusugan niya’y
Utang na loob niya?
Mahal mo nga ba siya?
Bakit nilulupig;
Tinutugis batayang karapatan niya?
Kung Mahal mo siya,
Bakit mandhid ka?
Sa nagpupuyos
Na damdamin niya?
Kung Mahal mo siya,
Nasaan ka?
Bakit siya naka hawla
At naka kadena?
Tulungan mo siya
kailangan ka niya
Para kay Juan at Maria
At sa mga supling nila
Sumigaw ka nang sumigaw
Tulad ng tunog ng batingaw
Hanggang marinig ka niya
Kumilos ka nang walang pagod
Hanggang lumaya siya
Sa pagkaalipin niya
Kung Mahal mo siya
Ipaglalaban mo siya
PILIPINAS.


Danilo Totanes Dagamac has been working as a Theater Group Organizer for 16 years now. Aside from writing poetry, he also teaches in acting workshops that are conducted specifically in schools and communities here in the Philippines. He is also a singer.

1+
Share this page

Leave a Reply