Close up of a lit candle against a black background. Image from Pixabay.

“Paggunita sa Nakakubling Dalamhati”

Close up of a lit candle against a black background. Image from Pixabay.

May isang kaibigang biglang nangumusta
Sa Messenger nagparamdam at nagpakita
Dahil sa lockdown may panahon na siya
Mangumusta maging ng taong pumanaw na

Sila Mama at Daddy mo sa probinsiya?
Ang walang prenong tanong niya
Okay naman si Mama at may trabaho pa
Pero si Daddy 2 years nang namahinga

Condolence ang tanging nasambit niya
Ako’y napakwento parang Maalaala mo Kaya
Binalikan mga alaala pati huling sandali
Hanggang sa nanumbalik ang lumbay at pighati

Mga araw na nagtiis sa napakahabang pila
Sa doktor na nag-opera at naglagay ng fistula
Ilang buwang nagpuyat para sa dialysis
Na gabi ang skedyul, sa 1 linggo 2 beses

Naging madalas ang pagdalaw sa ospital
Mga resibo ng gamot dumami at kumapal
Kamuntik muntikang bawian ng buhay
Mabuti na lamang at may laging naka-alalay

Mga kamag anak ay hindi nagdalawang-isip
Sa pag-abot ng tulong pag-asa ay sumisilip
May nagbigay ng pera, nag-alay ng panalangin
Nagpahiram ng sasakyan na gagamitin

Lampas isang taon na ginupo ng sakit
Tuluyang nanghina at yumao sa langit
Matinding pangungulila ang nararamdaman
Sa tuwing binabalikan ang mga nakaraan

Kung pwede lang ibalik ang nakalipas na
Umaasang makasama ka ng minsan pa
Ngunit wala ng magagawa kundi tanggapin
Paglisan mo sa mundong may takip-silim


Ruby Bangilan-Española is a development worker and currently working for Tebtebba (Indigenous Peoples’ International Centre for Policy Research and Education), a non-government organization advocating for recognition, respect and fulfillment of indigenous peoples’ rights. She is an indigenous woman herself because both her parents are of Balangao ethnicity hailing from Natonin, Mountain Province. Most of her writings are work-related and results of collaborative work. She writes poems and her poetic tendency is an upshot of her roller coaster emotions and overthinking.

6+
Share this page

Leave a Reply