Violent waves at sea. Image from Pixabay.

“Mga Alon Sa Dalampasigan”

Violent waves at sea. Image from Pixabay.

Sa mag-damag na trabaho’y sa tumba-tumbang upuan ako ay napapikit
Hindi namalayan ako na pala ay nananaginip
Kasama ang pamilya bumiyahe ng milya- milya
Binaybay ang mahaba at paliko-likong kalsada
Tinawid at nilampasan ang tulay na nagdudugtong sa bawat mapa

Halos sampung oras sa Norte ng Aotearoa napadpad
Unang tumambad at nasilayan ang malaluntian kabundukan
Kasunood nito ay ang kayhaba-habang dalampasigan
Mapuputing buhangin at mga alon na nag-uunahan
Mala-paraisong paligid at mahalimuyak
na hangin galing sa karagatan

Napagpasyahan na kami ay maligo
Sa kadahilanang mainit ang panahon at doon din patungo
Mga bata nagtatampisaw, mga magulang ay kasama
Banaag mo sa kanilang mukha na sila ay tuwang-tuwa
Marahil sa lamig ng tubig ako ay biglang naalimpungatan
Ngunit sadyang hapong-hapo kaya
madaling naratay ang aking katawan

Itinuloy ang panaginip at sa hindi inaasahang pagkakataon
Biglang lumalakas at tumataas ang mga alon sa dalampasigan
Ang gabaywang na tubig dagat halos ulo ni bunso ay lampasan
Ako ay biglang nabahala at tinignan
kung ligtas ang mga bata kasama ang kanilang Inang uliran

Sa hindi kalayuan may dalawang batang nakasalbabida
Unti-unting tinatangay ng alon kitang-kita ng bilugan kong mga mata
Sila ay napapalayo at pawang di ko na mahagilap
Naaaninag ko sila na noon ay umiiyak
Bakas sa mukha ang pagkabahala pati na kami ay naalarma

Sa puso at isipan gusto kong lumangoy nang sila ay matulungan
Ngunit malayo na sa tingin ko at di ko rin sila maaabutan
Sa panahon na iyon ang aking anak ay nagbabasta nang lumusong
Huwag anak, ang sigaw ko at yapos ko sa kanya para umurong

Huwag magpakabayani sa oras na ito
Para sa kaligtasan natin ako ay nagsusumamo
Humagulgol siya at bumuhos ang luha
habang itinuturo ang mga batang malayong-malayo na

Hindi ko maatim na sila ay iwanan
Minabuti ko muna pamilya ko ay maiahon sa pampang
Ako ay sumigaw na huwag silang bibitaw
Huwag kayong matakot kami ay gagawa ng paraan

Kumaripas ng takbo’t sa kalsada ang aking tinungo
Humingi ng saklolo sa mamang nasa loob ng sasakyan
Kasama ang anak at nakikinig sa musikang may kalakasan
Gumagaralgal man sa pananalita at noon ako ay humihingal
Sinabi ko ang dahilan at hintuturo’y sa dalampasigan nakatutok
Sa kasawiang palad siya pala ang ama ng dalawang paslit
Na nasa salbabida at sa laot na patungo

Bakas ko ang pagkabahala sa kanyang mukha
Parang bangag pa na nagmamakaawang tulungan ko siya
Naging alerto at siya ay kumaripas ng takbo
Sa direksiyon ng mga anak na sa noon ay nasa peligro
Siya ay lumangoy ng lumangoy ng napakalayo
Sa tantiya ko ay mag-iisang kilometro
Hangang tuluyan niyang maabot at mayakap sila ng todo

Kasama ang maybahay at aking mga anak
Hawak namin ang bunso ng mama na noon ay umiiyak
Hindi alam ang nangyayari bakit siya iniwanan ng kanyang ama
Sa kamay ng mga dayuhan na noon niya lang nakita

Minabuti ko na humanap ng iba pang tulong
Sa di kalayuan may mag-anak na papaalis na
Sinabi ko kung pwedeng silang tumulong tumawag ng tagasagip, sundalo, pulis man o ambulansiya
Sa kagandahang loob sila din ay umaksiyon at tumalima
Habang ang mama hilang-hila na ang salbabida
Ang mga supling ay tuluyan nang naisalba

Sa tindi ng pagkakonsensiya matagal na umiyak ang aming anak
Na para sa kanya wala man lang siyang nagawa kahit payak
Ang pag-iisip ng tama sa ganoong sitwasyon
Hindi pagiging duwag bagkus maging mahinahon
Huwag padalos-dalos kailangan tumpak ang aksiyon

Pinuri namin siya sa kanyang busilak na damdamin at kagustuhang tumulong
Ngunit hindi lang iyon ang tamang pagkakataon
Marami pang araw, buwan at taon
Landas na tatahakin sa pagsubok ng buhay sa takdang panahon
Nawa’y ang mama natauhan din at ito ay naging isang aral at leksiyon

Ah, sadyang nakakabighani ang ganda ng karagatan
Kahit anong direksiyon mo ito titigan
Mapa-silangan, timog, hilaga, at kanluran
Kadalasan ay maaliwalas na tanawin na para lang ipininta
Ng mga dakilang pintor na sina Fernando Amorsolo at ni Juan Luna
Isang malikhain at pinag-isipang obra maestra

Nawa’y ito ay magsilbing aral sa mga nakakatanda
Huwag pabayaan ang mga anak at nakababata
Lumusong sa tubig na wala silang kasama
Dahil hindi mo alam ang mga panganib na nagbabadya
Okey lang sana kung ito ay panaginip lang
Ngunit ito ay sadyang may katotohanan
na maaring idulot ng mga alon sa dalampasigan …..


I am Celso Roger B. Baldo. A proud son of Igorot parents with a bloodline from the Ilocos region. I am blessed with two gentle sons and a loving beautiful wife.

In the Philippines, after a short stint at the DENR (Department of Environment and Natural Resources), I worked at Department of Agriculture-CECAP as a Forester in the Philippines assigned in the different hinter lands of the Cordillera Region.

I went to work in Australia as a beekeeper. I shifted to New Zealand with my family searching for a better opportunity. I then worked here as a beekeeper but now I am a full time carer working in an age care facility while looking after our own hives with my family. It is in this occasion that paved my love of writing again after ages of dormancy.

I firmly believe that life is a journey and education is continuous with technology advancement without compromising the environment. I write poems related to nature, health and well being, life experiences, short haikus and share it to support and hopefully inspire others.

I acquired my Bachelors degree in Forestry in Benguet State University in the Philippines. As my parents are poor enough to send me to college, I acquired scholarship through sports and
being a Supreme Student Council member in my higher collegiate years aside from being a sponsored child by then Word Vision/VSRDI.

I also gained qualification on Level 3, General Knowledge on Beekeeping at Telford Southern Institute of Technology, now a division of Lincoln University. I also have a Level 3 Certificate of Health and Well being by Careerforce. Both institutions are located here in New Zealand.

4+
Share this page

Leave a Reply