Small bird perched on a rope

“Ibong Pipit”

Small bird perched on a rope

Magtatakip silim na muli
Habang ako ay nakamasid
Sa mga punong kahoy na nakapaligid
Malayang na-aaninag at naririnig
Nag-aawitang mga ibong pipit

Kay gandang pakinggan
Mga huni nilang nakakagaan
Palipat lipat sa mga sanga’t
Para akong dinuduyan
Minsan lang ito daraan

Ako ay sumubok na sila ay malapitan
Para lalo ko silang masilayan
Sa ilalim ng puno mga dahon ay luntian
Munting tinig nila ay mapakinggan
Musika na parang alon sa dalampasigan

Samut-sari ang mga hugis at laki
Ngunit hanggang kailan ito mapapanatili
Mga nanganganib nang mga uri
Tao naway matauhan sa kanilang gawi
Upang ang mga ibong ito ay hayaan dumami

Noon may halimhiman pa akong nakikita
At doon mga sisiw naghihintay kay ina
Daladala’y pagkain na masustansiya
Sa malayong lugar pa nila kinukuha
Para sa mga inakay kanyang ipapasa

Hayaan na lang sana, sila ay mabuhay
Kasama ang tao upang lalo na matiwasay
Malayang lumilipad-lipad sa kabundukan
Aali-aligid sa kabahayan at sa kabukiran
Upang awitin nila’y di maglaho ng tuluyan


I am Celso Roger B. Baldo. A proud son of Igorot parents with a bloodline from the Ilocos region. I am blessed with two gentle sons and a loving beautiful wife.

In the Philippines, after a short stint at the DENR (Department of Environment and Natural Resources), I worked at Department of Agriculture-CECAP as a Forester in the Philippines assigned in the different hinter lands of the Cordillera Region.

I went to work in Australia as a beekeeper. I shifted to New Zealand with my family searching for a better opportunity. I then worked here as a beekeeper but now I am a full time carer working in an age care facility while looking after our own hives with my family. It is in this occasion that paved my love of writing again after ages of dormancy.

I firmly believe that life is a journey and education is continuous with technology advancement without compromising the environment. I write poems related to nature, health and well being, life experiences, short haikus and share it to support and hopefully inspire others.

I acquired my Bachelors degree in Forestry in Benguet State University in the Philippines. As my parents are poor enough to send me to college, I acquired scholarship through sports and
being a Supreme Student Council member in my higher collegiate years aside from being a sponsored child by then Word Vision/VSRDI.

I also gained qualification for Level 3, General Knowledge on Beekeeping at Telford Southern Institute of Technology, now a division of Lincoln University. I also have a Level 3 Certificate of Health and Well being by Careerforce. Both institutions are located here in New Zealand.

3+
Share this page

Leave a Reply