Pine forest image from Wikimedia Commons

“Ed Tudoy”

Pine forest image from Wikimedia Commons

Anggay mansasagened nan kakaok di kawitan sinan kaaruba,
Ipapatik ay ikimit nan matak ta eyak kuman iseyep si sinkaatikan,
Umanuwab ak si anandukoy ngem talaga ay naligat makaek,
Layden di awak ya likna ngem tuan pay nan nemnem,
Adi kagbay si katatagtag ya kapupulag.

Ipadas ko kuma ay bumul-ay ta tamangek nan buwan,
Nay siya ngata ay nabolibo uno napitak paylaeng,
Palalo met san tug-in, enggay pilmi ay sumkaw
Mangayenggeng nan tagalong, duwan manpayegpeg nan puweg.

Mu kamanina ay makiib-ibaw tas seyep,
Adi maiwasan ay taulien sin nemnem, san ili ay nataguan
Ed bayag, ikakamang ay maek, ta say way eyat ay mamalbangon ay bumangon
Ikaligatan ay lakaden ed Todoy, say panakduan ya pan-emesan
Dadaan paylaeng pumat-a yan manubak si saleng
Say isilaw ay emey sin eb-eb tan maiwed pay di lente.

Anggan mo sinu di ligat, adak nalikna nan seg-ang si awak
Anggan mo madam-et san galon ay sakbaten,mo eyak manakdo
Naladsak ladta san ammeng ya ngalawngaw di alak-ak
Anggan mo maiwed di ay-ayam ay nalakuan si siyudad,
Naladsak ladta ay kamkamayatan din luta,
Lokto ya baat san kanayun ay baon mo amey man-eskwela,
Uwat tan umukmu-ukmon mo waday gagaet ay manlaklako sin kantina.

Mo il-ilak ed niman danan kaana- ananak
Inayan pay abe nan yaat da ay manpambar,
Pag mankanam-is nan en da laklakuan,
Mo bukatam sa piriser, yan napnu pay eman si kinalasi ay makan
Adi da paybeman en kasapulan ay manakdo, tan am-in et dumatdateng ay sidadaan
Kanawalang san ay-ayam ay uwat da pay eman gatgatinan.

Anan-ak ed niman ay panawen
Adi ay-ayuen san buway di napuan
Talaga ay anggas kayun nagasat tan adi yu pinadas,
San ligat ay en mi sinaksakbat.
Man-iyaman kayo en Apo tan inyaan na dakayo si paryentes ay mangipapati
Ubla ya ligat ta say enkayo sumiged.


“Tudoy”

Ang pagtilaok ng mga tandang sa aming kapitbahay ay nagkakasunod-sunod na,
Magbubukang-liwayway pero mga mata’y sapilitang ipinipikit, makaranas man lamang ng kaunting idllip
Napakahahabang hikab ang siyang pinapakawalan, sa pag-asang dalawin ng mailap na antok
Halos maigupo man ng pagod pagal na katawa’t pakiramdam, ewan ko nga ba sa kaisipang walang kapaguran sa tuloy-tuloy na pagtakbo’t paggulong.

Nais sanang lumabas saglit, para buwa’y tanawin kung ito’y bilog ba o nahati na
Sa balat ay nanunuot matinding lamig, mga kalamna’y nakakaramdam na ng ginaw na di maipaliwanag
Buong katawa’y kapansin-pansin sa panginginig, tuhod at kasu-kasuan ay nangangatog.

Sa mga pagkakataong nakikipambuno sa pagtulog,
Hindi mapigilang muling balikan, serye ng kabataan sa baryong kinamulatan
Sadyang napakaaga kung kami’y matulog para tiyak ang paggising ng maaga
Walang patumangga kung tahakin daang patungo sa bukal ng Tudoy
Nang sa gayon ay maagang maghanda, makapaligo’t makapag-igib na rin
Takip-silim pa lamang ay nagsisbak na ng saleng na siyang gagamiting ilaw sa dahilang walang pagmamay-aring plaslayt.

Gaano man ang hirap noon, awa sa sarili’y di kailanman naramdaman
Sadyang napakabigat man ng
labada’t sisidlan ng tubig na dalahin
Matutunog pa ring tawanan at halakhak aming pinagsasaluhan
Salat man sa mamahaling laruang sa siyudad lamang nabibili
Masaya pa ring nilalaro, lupang binasa’t binigyang korte
Kamote’t saging madalas baunin sa eskwela
Panay lang ang lunok habang sa kaklaseng bumibili sa kantin ay nakamasid.

Sa ngayon, kapag mga kabataa’y aking maliming pinagmamasdan
Matinding-matindi kung sila’y magkaroon ng sipa’t sapi
Napakasasarap at napakamamahal mga bagay na kanilang pinamimili
Sa tuwing kanilang bubuksan ang sisidlang palamigan, samu’t saring pagkain ang maaring pagpilian
Ni hindi kailangang magsalok ng tubig, sa gripo’y bastante ang suplay
Mga larua’y nakakalat na sa sobrang dami,madalas na lamang nilang ito’y naaapakan.

Mga kabataan sa panahong kasalukuyan, ako’y iyong pakinggan
Huwag sayangin, pagsasakripisyo ng inyong mga magulang,
Pinagpala kayo ng todo, kahirapan noo’y di ninyo nararanasan
Matutong sa Poong Maylalang ay magpasalamat
Huwag isawalang-bahala pagsusumikap ng mga magulang para mabigyan kayo ng magandang kinabukasan.


Susie Bangles-Baldo is a proud Igorota who belongs to the ethnolinguistic group Kankana-ey and a mother of three, two curious lads and a vigorous lassie. She spent her childhood savoring the blessings of simplicity in the ili; sidking-aparador, Chinese garter, bebe-ey (bahay-bahayan), climbing the caimito and swimming in the river were among the sundry fondest reminiscences that contributed to her yearning of going back to basics and reviving Indigenous poetry.

Susie is interested in the advancement of indigenous mental health and wellbeing that is grounded from the grassroots. She appreciates all sorts of writings (genially calling it as #KaisipangMalaya); believing that these are expressions of a person’s innermost thoughts and feelings, longings, hopes and dreams. Poetry is viewed as a vehicle that succor in reconnecting the dots from the past to make the present-day an opportunity for unlearning, relearning and development.

4+
Share this page

Leave a Reply