“Demensiya”

Sepia image of an old man sitting alone on a wooden bench. Image from Pixabay.

Paslit pa lang ako noong ito ay nagsimula
Marami na akong natutunan dito sa balat ng lupa
Mabilis na lumipas ang panahon at ako’y magnunubenta
Nag uumapaw ang mga bagay na hindi ko maalala
Ngunit alam ko na nasa paligid lang at nandiyan siya
Mahirap din hanapin kaso nasaan na kaya?

Kaibigan, alam mo bang may anino akong nakikita
Na wala naman ito ng ako ay bata bata pa
Sa totoo lang, hindi ko sinasabi na nakalimutan ka
O ang lahat ng bagay na noo’y aking ginagawa
Alam ko nagtatago lang ito at aking naa-aninag pa

Kapag mariin kong pagmasdan at tuluyang titigan
Parang mas lalo akong aburido at nagiging tuliro
Ang masama nito’y di na nagrerehistro sa utak ko
Ang aking isipan ay parang agos ng tubig sa ilog Waikato
Na halos ako ay tangayin sa lugar na di ko naman gusto

Sa pader mabilis na makikita ang bilis na takbo ng orasan
Hindi ko mawari kong ito ay araw o gabi
Ngunit ang sigurado sila ay parit-parito
Mahinahong pagdating ng nakaasul na nilalang na tao
Para ako ay asikasuhin at bigyan ng gamot na kinakailangan ko

Ikaw ay pamilyar sa aking kisap mata at isipan
Tindig at maamong mukha na araw araw ay nandiyan
Maging ang iyong abang kinagigiliwan kong pangalan
Ngunit bakit ganito para akong nahihirapan
Na pag-isipan at gawin ang mga bagay na dati ay aking alam

Gusto kong iparating, kung tuluyan kitang makalimutan
Tama lang na makita at malaman mo na sa akin ikaw ay huwaran
Naa-alala mo ako, ganito man ang aking kalagayan
Napakasakit man ito ngunit sadyang katotohanan
Ang aking kahilingan ang iyong pag-uunawa at ako ay pagtiyagaan
Hindi man kita nakikilala, kaibigan o kamag-anakan
Maraming salamat ako ay iyong pinapasyalan at pinapangalagahan


I am Celso Roger B. Baldo. A proud son of Igorot parents with a bloodline from the Ilocos region. I am blessed with two gentle sons and a loving beautiful wife.

In the Philippines, after a short stint at the DENR (Department of Environment and Natural Resources), I worked at Department of Agriculture-CECAP as a Forester in the Philippines assigned in the different hinter lands of the Cordillera Region.

I went to work in Australia as a beekeeper. I shifted to New Zealand with my family searching for a better opportunity. I then worked here as a beekeeper but now I am a full time carer working in an age care facility while looking after our own hives with my family. It is in this occasion that paved my love of writing again after ages of dormancy.

I firmly believe that life is a journey and education is continuous with technology advancement without compromising the environment. I write poems related to nature, health and well being, life experiences, short haikus and share it to support and hopefully inspire others.

I acquired my Bachelors degree in Forestry in Benguet State University in the Philippines. As my parents are poor enough to send me to college, I acquired scholarship through sports and
being a Supreme Student Council member in my higher collegiate years aside from being a sponsored child by then Word Vision/VSRDI.

I also gained qualification on Level 3, General Knowledge on Beekeeping at Telford Southern Institute of Technology, now a division of Lincoln University. I also have a Level 3 Certificate of Health and Well being by Careerforce. Both institutions are located here in New Zealand.

3+
Share this page

Leave a Reply