Silhouette of a mother and her child holding hands, image from Pixabay

“Bukas Na Liham Para Sa Mga Anak At Magulang”

Silhouette of a mother and her child holding hands, image from Pixabay

Bawat magulang na responsable’t nagmamahal sa kanilang mga anak ay nangangarap at kumakayod ng todo, makamit lamang ang mga inaasam para sa kanilang ikabubuti.Kaliwa’t kanan na pagsasakripisyo. Sabay sabay na trabaho’t responsibilidad ay hindi alintana basta’t ang kapalit ay kaseguraduhan ng kanilang kinabukasan.

Kaway kaway sa mga magulang na madalas makaligtaang magsuklay o suki ng pagkalipas gutom dahil sa mga patung-patong na obligasyon. Isang pagpupugay para sa mga magulang na hindi tinatakbuhan ang kanilang mga responsibildad at obligasyon.

Sa mga anak, matutong magpasalamat sa lahat ng pagmamahal at papupunyagi ng inyong mga magulang. Nakakayanan nilang balikatan ang lahat lahat, nakangiti pa’t animoy hindi man lang nahihirapan. Kung titigan lamang ninyo sila ng matiim, ng nanunuot sa puso… tiyak na mararamdaman ninyo ang bawat hinaing at piping dalangin sa bawat himaymay ng kanilang mga puso’t isipan.

Matutong magpasalamat at bigyang halaga lahat ng bagay na mayroon tayo. Iba-iba man ang saklaw at sukat, lahat tayo’y biniyayaan ng Poon. Minsan, nalalambungan lamang ng panibugho’t matinding hangaring mahigitan kung anuman ang narating at mayroon ang ating mga kadaupang-palad kung kaya ang tunay na kulay ng biyaya ay hindi magawang makita.


Susie Bangles-Baldo is a proud Igorota who belongs to the ethnolinguistic group Kankana-ey and a mother of three, two curious lads and a vigorous lassie. She spent her childhood savoring the blessings of simplicity in the ili; sidking-aparador, Chinese garter, bebe-ey (bahay-bahayan), climbing the caimito and swimming in the river were among the sundry fondest reminiscences that contributed to her yearning of going back to basics and reviving Indigenous poetry.

Susie is interested in the advancement of indigenous mental health and wellbeing that is grounded from the grassroots. She appreciates all sorts of writings (genially calling it as #KaisipangMalaya); believing that these are expressions of a person’s innermost thoughts and feelings, longings, hopes and dreams. Poetry is viewed as a vehicle that succor in reconnecting the dots from the past to make the present-day an opportunity for unlearning, relearning and development.

3+
Share this page

Leave a Reply