Walking barefoot

“Saan”

Walking barefoot
Saan na nga ba patungo
Itong lakbay-kaisipan ko?
Saan na nga ba hahantong
Itong dalangin at panaghoy ko?
Isang malamlam na umaga,
Aabot ba ‘gang katapusan?

Panaka-naka’y pag-usal,
Walang patid na kirot at hikbi.
Hanggang kailan ba
Itong buhos ng pighati
Na tanging ikaw lang yata
Ang nakakaintindi?

Pinaghalong tuwa’t pasakit,
Itong abang buhay kong sawi.
Dinadaana’y lubak-lubak,
Paa’y puro sugat na ata’t dagta;
Walang saplot at nakayapak.
Dalangin ko’y liwanag at pag-asa.

Ginhawa naman at saya.
Ah, panahon na!

3+
Share this page

Leave a Reply