“Gobyerno”


Poot na nagniningas
At sigaw na pinipigilang lumabas;
Bibig na may busal
At mga kamay na pilit pumipiglas;
Lupang sinilangan
Na buong-pusong pinaglingkuran;
Pamahalaang mapang-api
At mga huwad na haring ganid
Sa yaman at kapangyarihan.
Ano na ang kahihitnatnan
Ng mga taong umaasa
Sa ‘yong salat na awa’t kabutihan?
Isang kandila na lamang ang natitira;
Maya’t maya’y ubos na.

6+
Share this page

Leave a Reply