“Si Diday At Si Maya”


Ano ba at sinagihan ng kung anong init sa katawan ng matanawan ni Ka Diday ang kararating na si Ka Maya sa pansamantalang kusina ng ublagan ng kanilang yunit. Basang-basa sa pawis si Maya at halos madikit sa katawan nito ang manipis na t-shirt na suot, bumabakat tuloy ang anyubog ng katawan nito.

Kararating lang ni Maya galing Maynila, bahagi ito ng anim na buwang tour of duty n’ya sa hukbo at batay sa rekomendasyon ng organo nito sa sektor ng kababaihan ay bukas ito na buong panahon nang kumilos na sa kanayunan.

Di maalis sa isip ni Diday ang nakita n’ya kanina, nginitian pa siya nito na lalung nagpakabog sa kanyang dibdib. Maalinsangan pa rin, kaya naiisip nitong maligo sa sapa na nasa ibaba lamang ng kanilang kampo.

Medyo makulimlim ang buwan kaya halos hubo’t-hubad na naligo si Diday, alam nyang walang manunubok sa kanya at disiplinado ang mga kasama. Bukod pa sa ginagalang siya sa yunit bilang Political Instructor ng kanyang platun. Sakali mang may gunggong na mangahas siguradong malilintikan sa kanya, nasa top 5 sa isnayping si Diday at kahit sa gabi ay kaya n’yang tumama sa target.

Nang kinukuskos n’ya na ang kanyang katawan, di maiwasang masanggi n’ya ang kanyang dibdib, noong sibilyan pa siya isa ito sa madalas batiin ng kanyang mga kapatid na asset n’ya raw ”ikaw ba naman ang may sukat na 36 at cup B pa” ang madalas itudyo sa kanya ng Ate n’ya, bagay na kinaiinisan n’ya noon.

May angking kagandahan din si Diday sa kanyang mahabang alon-alon na buhok at mukhang bombayin at morenang balat na balbon. Nag-init siya ng mahawakan n’ya ang kanyang dibdib at di n’ya mapigilan na pisilin at laruin ang dalawang nakatingaro na tuktok nito. Habang ginagawa n’ya ito ay hinahawak naman ng kanyang kabilang kamay ang kanyang pagkababae.

Dali-dali n’ya nang tinapos ang paliligo at bumalik sa kanyang kubol para ituloy ang nasabing ritwal.

Tahimik na ang buong pwesto, tulog na ang mga kasama. Alas-dos pa ang simula ng talibahan. Maingat na hinubad ni Diday ang kanyang suot na pantalong parachute kasabay ang kanyang pang-ilalim na saplot, nililis n’ya rin ang kanyang t-shirt at bra. At tila sawang naglilingkis ang kanyang mga kamay.

Ginagapang at humimas ito sa kanyang kaselanan, hanggang sa naglawa na ito. Ahit ang kanyang kaselanan kaya walang bumabalakid na buhok sa pagpasok sa daliri n’ya sa lagusan ng kanyang pagkababae. Habang ginagawa n’ya ito ay naiisip n’ya si Maya, ang mahubog nitong katawan, ang maputing-mistisahin na anyo, ang magandang mukha at ang pag-aari nito na nakaumbok sa kanyang suot na pantalon ng kaninang ipakilala ito sa kanya at bigyan n’ya ng oryentasyon.

Ilang saglit lang ay may sumabog sa kanyang sinapupunan, nakagat ni Diday ang malong n’ya para mapigilan ang kanyang paghiyaw at ang halinghing. Nagpaikot-ikot siya sa higaan hanggang sa matapos ang espasmong bumabalot sa kanyang buong katauhan, animo’y nasaniban siya ng masamang ispirito.

Edad bente sais lamang si Ka Diday, diborsyada sa asawa na bumaba na nga ay bumaliktad pa sa kaaway.

Ang kanilang nag-iisang anak ay iniwan ni Ka Diday sa mga magulang, mahigpit ang tagubilin n’ya na wag ibibigay sa asawa at wag din ipapakita. Mataas na panggitnang peti-burges ang pamilya ni Ka Diday, retiradong inhenyero ang ama at isang negosyante ang ina, kaya malaking tulong ito para sa suporta ng anak na magdadalawang taong gulang pa lang.

Mag-aapat na taon na siya sa yunit at kabilang nga sa pamunuan ng larangan. Maraming laban na rin siyang naranasan, mga depensiba, opensiba at pamamarusa. Sa madaling sabi ay beterano na siya sa iksing taon n’yang nilage sa hukbo. Galing din siya sa sektor ng kabataan, kumukuha siya ng Pilosopiya sa isang sikat na pampublikong pamantasan sa Maynila nang mapagpasyahan n’yang buong panahon ng kumilos sa kanayunan, ika nga ay sa “piling ng masang magsasaka”.

Di makatulog si Ka Maya, nasa isip n’ya ay siguro’y namamahay siya, yon yong tawag na pag bago sa isang lugar o bahay ay di ka dalawin ng antok. Dumadagdag pa sa kanyang di pagkaantok ay ang iba’t- ibang huni na naririnig n’ya sa paligid; mga kuliglig na parang may konsyerto, palaka na nagsasagutan sa may bandang sapa at paminsan-minsan ay huni ng mga panggabing ibon. Sa may kalayuan ay naririnig n’ya ang katsangan ng mga unggoy. Gubat pa ang bahaging iyon ng kanilang pansamantalang kampo, maganda din ang daloy nang tubig na lumilikha ng anda-andanang talon, dinig sa pwesto n’ya ang dalisdis ng agos ng tubig nito.

Naisip n’ya ang kanyang iniwan na pamilya, at syempre ang usapin ng seguridad sa hukbo. Bagamat nakakasiguro siya na ligtas siya sa piling ng mga pulang mandirigma, pero di maiwasan na magkaroon ng pangamba. Sabi nga nang kanyang dating kalihim sa lungsod “Mainam ang may nararamdaman na pangamba, ito ang magtitiyak sa kaligtasan mo. Wag lang alarmista at magpalamon sa takot, baka di na makakilos at mag-alsa balutan pauwi ng Maynila”, nangiti siya sa ala-alang ito. Tiyak n’ya sa sarili na di siya uuwi, buo ang kapasyahan n’ya sa naging desisyon, ito ang kanyang matagal nang perspektiba at kagustuhan sa buhay.

Pag naalala n’ya ang pamilya, lalu na ang kanyang ina, ay di maiwasan na magbalik ala-ala din ang buhay n’ya sa lungsod. Noong di pa siya mulat, noong isa lamang siyang pangkaraniwang kabataan.

Maykaya sa buhay sina Ka Maya. Ang kanyang pamilya ay isa sa mga may-ari ng isang Italian restaurant sa isang business district sa Maynila. Dati din silang may pagawaan ng sapatos at tsenilas. Noong magkabagyong Ondoy, nalanos ang pabrika nila at sinira ng baha, dahil doon ay bumagsak ang kanilang negosyo. Maige at ang restaurant na may-share ang kanilang pamilya ay nagpatuloy at umunlad.

Galing din siya sa isang exclusive school na pambabae, mula elementarya hanggang high school ay dito siya nag-aral, noong kolehiyo naman ay sa isang pamantasan na pinatatakbo ng mga dominikano siya nag-aral. Nagbuhay bohemyo si Ka Maya, katulad ng ibang mga kabataan, laman siya ng mga bar at gimik. Natigil lang ito nang mangyari sa kanya ang isang trahedya. Halos limang taon na ang nakakalipas nang mangyari yon. Dumalo sa isang birthday si Ka Maya, nalasing siya ng sobra na sinamantala naman ng inakala niyang kaibigan na lalaki. Nagising na lamang si Ka Maya sa isang motel sa Cubao na walang saplot. Pinagbantaan siya ng hayop na lalaking yon kaya wala na lang siyang nagawa kundi ang umiyak. Isang linggo siyang nilagnat pagkatapos noon at dahil sa takot at trauma ay wala siyang pinagsabihan kahit ang sariling pamilya.

Nakabawi na lamang si Ka Maya sa trauma ng makilala n’ya si Rio, ito ang nagrekruta sa kanya sa kilusan. Bukod sa myembro si Rio ng makabayang samahan ng kabataan ay kasapi din ito ng isang kapatiran sa loob ng pamantasan. Mabait ito at maalalahanin, isang gabi na nagkasama sila sa parke ng kampus habang nag-aantay ng ibang mga kasamahan nila ay naikwento n’ya dito ang kanyang lihim. Tahimik lamang si Rio habang umiiyak siya na sinasalaysay ang mapait na gabing iyon. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay pinagpayuhan siya nito na magpacounselling, tumulong pa ito sa proseso ng kanyang pagrecover. Kasabay nito ay naghapag din ito ng pormal na mungkahing ligaw, si Ka Rio ang kanyang pangalawang karelasyon, ang unang naging karelsyon n’ya ay noong highschool pa lamang siya ay kapwa n’ya babae. Matagal na n’yang tanggap na siya ay may tendensiya na pagiging tomboy, at ito ay tanggap din naman ni Rio.

Tag-init ng 2007 ng magpaalam si Rio na tutungo na sa kanayunan ng Isabela, pero nang gabi na aalis na ito ay pinagtapat nito sa kanya ang isang bagay. “Kasama sabi nito, sana ay maka–move on ka na sa trauma mo, naiganti ka na sa hayop na lumapastangan sa iyo,” tigalgal si Ka Maya sa narinig at sa pag- uusisa n’ya ay ikinuwento na nga ni Rio ang nangyari.

Isang linggong tinugaygayan nila Rio at mga ka-brod nito ang lalaking gumawa sa kanya ng kalapastanganan. Nang ma-zero na nila ang object at mapadrunan ang kilos nito saka nila ginawa ang kanilang balak. Sanay sa riot sina Rio at di iilang beses na gumawa sila nang ganitong operasyon lalu na sa mga kalabang fraternity. At sa kwento ni Rio, bagamat nanlaban ang lalakeng lumapastangan kay Maya, di na ito makakapanlaban pa lalu at “ginawa na nilang pampatamis ng santol” ang animal na lalake.

Humagulhol si Maya, di n’ya alam kung matutuwa siya o matatakot sa balitang iyon ni Rio, pero kahit papaano ay parang may tinik na nabunot sa kanyang dibdib. Niyakap n’ya na lang si Rio at noong gabing iyon ay nagpaubaya siya sa karelasyon.

Maginoo si Rio at di padaskul-daskol sa kanilang pagniniig, bagamat di ito kagwapuhan pero may angking appeal ito dahil sa imahe nito na “maginoo pero bastos”, palabiro ito, may pagkalumpen kumilos pero napakabait at maalalahanin na kasama bukod pa sa intelektwal na kayang ipaliwanag mula sa usapin ng kulangot hanggang imperyalismo. Nasa KT si Rio ng organisasyon nila sa pamantasan at nang manawagan ng kailangan ang mga kadre sa kanayunan, maagap itong naghapag ng mungkahing buong panahon ng kumilos sa armado.

Limang taon na halos mula noon, pero sariwa pa rin kay Maya ang ala-ala. Ang paghihiganti na naganap, ang pagniniig nila ni Rio na aaminin n’ya sa sarili na nag-orgasmo siya sa unang pagkakataon, at ang balita pagkatapos ng tatlong buwan, isang balita na nagpatigalgal sa kanya subalit nakapagpatibay sa kanyang paninindigan na ibuhos ang buong panahon sa rebolusyon at kumilos na rin sa kanayunan.

Isang masamang pangitain ang balitang iyon, una’y narinig niya sa radyo at kinumpirma nga ng kanyang kakolektibo. “kasama sabi nito, wag kang mabibigla ha?” Tahimik lang siyang nakinig sa kwento nito, “nasa baryo sina Rio dahil kakatapos lang nilang maglunsad ng pag-aaral, na-tip sila sa kaaway at nakubkob ang kanyang yunit. Kasama patay na si Rio, kabilang ang dalawa pang mandirigma. Signal fire siya.” Impit na iyak lang ang niluha ni Maya, di siya humagulhol gaya nang iba. Matagal na niyang tanggap na mangyayari yon pero sana ay di ganun kabilis. Naalala n’ya ang mismong sabi ni Rio sa kanya, “ang kamatayan ay natural na nangyayari gaya ng pagsibol at pagkalanta ng halaman, ang mahalaga ay di kung paano namatay bagkus kung kanino ba tayo nabuhay”, at alam ni Maya masaya si Rio dahil namatay siyang lumalaban para sa sambayanan.

Mula noon ay di na nakipagrelasyon si Maya, bagamat madaming nanliligaw sa kanya lahat ng mga yon ay di n’ya pinansin. Nang sumunod na semestre ay nagdeklara na siya ng fulltime sa sektor at nang sumunod na taon ay nailipat siya sa sektor ng kababaihan, dito n’ya na nakita ang kanyang sarili.

Noong nasa organisasyon na siya ng kababaihan, nagkagusto siya at nakipagrelasyon sa isang kapwa babae. Tumagal lang sila ng isang taon, selosa ang kasama at di sila magkasundo sa maraming bagay.

Bagamat ang tanging masasabi n’ya ay ito ang relasyon n’ya na may pinakamagandang karanasan sa seks. Napaka-explorative ng naging partner n’ya, at dito siya namulat sa madaming bagay kaugnay sa kanyang katawan at kung paano siya maliligayahan.

Noong magpasya siyang mag-integrasyon sa hukbo at kung sakali ay buong panahon nang kumilos, buo ang loob n’ya na maglingkod sa masa ng sambayanan, matagal n’yang pinaghandaan ito. Pero di n’ya iniwan ang ilang nakagawian n’ya, kasama sa mga inempake n’yang gamit n’ya ay ang gadget na niregalo sa kanya ng dati n’yang karelasyon. Isa itong de-baterya na may habang walong pulgada at diyametro na anim na pulgada, tinago n’ya ito sa pouch na naglalaman ng kanyang mga personal na gamit, alam n’yang di naman pakikialaman ng mga kasama ang gamit n’ya pero maige na rin na nakatabi ito. Baka pag nakita ay maeskandalo ang yunit na babagsakan n’ya, isipin na lang na karamihan dito ay galing pesante.

At ang laking tuwa n’ya nang malaman na sa yunit na napuntahan n’ya ay may nanggaling din sa lungsod, si Ka Diday. Natutuwa siya sa kasamang ito, maganda na, astig pa. Mararamdaman mo ang pagkalider nito sa mga kilos, pananalita at kahit sa tawa nito. Halatang may malaking paggalang ang mga kasama sa kanya.

Pero noong ino-orient siya parang di ito mapakali. Di ito makatagal ng tingin sa mukha n’ya, at minsan ay napapansin n’ya na sinusulyapan nito ang ibabang bahagi ng kanyang katawan, naconcious tuloy siya lalu na at pagpunta n’ya ng banyo ay nakita n’yang nakabakat pala ang kanyang kaselanan sa suot n’yang parachute na pantalon. Pero nangiti siya at napaisip na “di kaya tomboy itong si Ka Diday?”.

Alas kwatro nang manggising na ang mga kasama, kritikal na oras na ito. May nagluluto na nang kape na tinabingan lang ang apoy para di makita sa malayo. Unti-unti nang nagligpit ng higaan si Ka Diday, maganda ang tulog n’ya maliban pa sa malamig kagabi ay nakaraos siya sa kanyang ritwal. Naisip na n’ya agad si Ka Maya, “kamusta kaya ang tulog nito?” Si Ka Maya naman ay hirap na idilat ang mata, una ay kakakuha n’ya pa lang ng tulog at ikalawa ay sanay pa siya sa oras lungsod na nagigising ng alas otso, maliban na lang pag may kampanya o lakad sa organisasyon kaya naoobliga siyang gumising nang mas maaga.

Kakaiba sa yunit, pagpitada ng alas sais ay tapos nang naka-almusal ang mga kasama na kadalasan ay kanin at tuyo na may kapeng nanununtok sa tapang. Minsan pag gawat ay noodles ang almusal o kaya ay walang katapusang kamote at balinghoy. Maganda pag nakabase sa masa, dahil mas maayos ang pagkain lalu na at panahon ng anihan pero pag nagsisimula pa lang magsibol ang palay o kaya’y nabagyo, kawitang palakol ang buhay.

Paglabas ng pwesto n’ya si Ka Maya ay nakita na n’ya agad si Ka Diday, nakangiti itong papunta sa kanya, may dala itong dalawang tasang kape na umuusok.

“Kasama magandang umaga, magkape muna tayo” sabi ni Ka Diday.

“Salamat kadua, dinalhan mo pa ako talaga ha?” ngiting-ngiti si Ka Maya na halos mawala na ang singkiting mata, bagay na lalung nagpaganda sa kanya at nagpakabog ng dibdib ni Ka Diday.

“Wala yon” sagot ni Ka Diday, “may agenda din ako sa iyo e”, “ano yon?” tanong ni Ka Maya. “kaugnay sa talambuhay mo, di ka pa nagpasa, kailangan din kasi yon, saka mamaya kasi ay i-oorient ka ni Ka Sierra kaugnay sa baril at ilang military command dito sa yunit. Ako naman ay idi-discuss sa iyo ang latag ng gawain na natin, mga OMs na naitayo, ang antas ng RA na natin sa mga baryo, saka mga ilang bagay na inaasahan mo na rin sa anim na buwan mo dito sa yunit.” Sagot ni Ka Diday, “mamya pagka-almusal mag-usap tayo hane?”

“Ok kadua, saka nga pala Ka Diday” tanong ni Ka Maya, “mamaya pwede mo ba akong samahan sa sapa, sabay na tayo maligo kasi nag-aalangan ako e baka kung saan ako makarating”.

Namula si Ka Diday pero sinagot n’ya ito na “Ok lang sige. Pero malapit lang ang liguan, di ka maliligaw” sabay tawa ng alanganin. Napansin ni Ka Maya na nailang si Ka Diday, at natiyak n’ya sa sarili na may gusto ito sa kanya at tomboy nga si Ka Diday. Napatawa sa sarili si Ka Maya, at nasa isip n’ya “mag-antay ka lang Ka Diday ng isang taon, magiging magkarelasyon tayo”.

Mabilis na natapos ang anim na buwang integrasyon ni Ka Maya sa hukbo. At nagpasya na nga ito na buong panahon na kumilos sa kanayunan. Nagmungkahi nga lang ito na dumalaw muna sa pamilya at sa mga kakolektibo nito sa Maynila, para na rin pormal na magpaalam at kumuha ng rekomendasyon.

“Mga kasama” wika ni Ka Maya, “ako ay dadalaw muna sa amin at mag-aayos na rin ako ng aking rekomendasyon mula sa mga kasama sa aking pinanggalingang organo”

“Gaano ka katagal sa Maynila kasama?” tanong ni Ka Eli ang tumatayong kalihim ng larangang kinapapalooban ni Ka Maya. “Maige nga yan ng maayos ang pagpasok mo dito sa bagong yunit na kikilusan mo” dagdag pa nito.

“Pupwede ba na mga dalawang linggo mga kasama, uupo pa kasi ako sa pagtatasa at ebalwasyon sa yunit na pinanggalingan ko” sagot ni Ka Maya na parang nahihiya pang magmungkahi.

Natawa ang mga nasa pamunuan sa reaksyon ni Ka Maya dahil halatang medyo parang nahihiya ito.

“Oo naman kadua” si Ka Diday na ang sumagot, “pagbalik mo dine sa sona dalhan mo kami ng mga pasalubong ha?” biro nito.

Natawa na rin si Ka Maya, “Oo naman, ano bang gusto n’yo, magpapasulpot ako doon sa lungsod.”

“Tsokoleyt saka yosi” nakangiting sabat ni Ka Sierra ang CO ng yunit. Nagtawanan ang mga nag-uusap dahil sa itsura nilang parang mga batang naghahabilin ng pasalubong sa isang kamag-anak na aalis.

“Ka Diday” sambit ni Ka Eli “di baga at may mungkahi kang dalaw din para sa iyong anak?” “Oo, bakit kadua?” sagot ni Ka Diday.

“Magsabay na kayo ni Ka Maya sa pagluwas, habang maluwag pa sa usaping seguridad at katatapos lang ng ating mga gawain, pagbalik n’yo dito ay sabak ulit tayo sa implementasyon ng ating mga plano”, wika ni Ka Eli.

“Pero may mga pag-aaral pa tayong ilulunsad sa seksyon at sa mga SPL” nag-aalalang sagot ni Ka Diday.

“Andito naman ang grupo sa instruksyon, kami na ang bahala sa mga pag-aaral” si Ka Sierra na ang sumagot.

Madaling araw pa lang ay naglalakad na sina Ka Diday at Ka Maya, sinamahan sila ng isang iskwad ng hukbo hanggang sa may posteng bahay na nasa tabing kalsada.

Mula doon ay magpapahatid sila sa tricycle hanggang sa bahay ng alyadong inhenyero na nagtatrabaho sa ahensya ng gobyerno na nakatira sa kabayanan. Ito naman ang maghahatid sa kanila paluwas ng Maynila.


Tahimik sa byahe si Ka Diday bagamat sige ang daldal ng inhenyero na siyang naghatid sa kanila, may kasama din itong drayber na kilala din nila Ka Diday dahil nasa lihim na grupo ito ng mga empleyado sa gobyerno na kumikilos naman sa kapitolyo.

Sa mga tanong ng inhenyero, si Ka Maya ang sumasagot, at paminsan-minsan ay nagtatawanan pa sila.

Naisip ni Ka Diday na mahusay sa alliance work itong si Ka Maya at mahusay din sa pakikisalamuha sa masa, madali siyang nakakagiliwan patunay na rin sa anim na buwang integrasyon nito ay kinagiliwan agad ito ng masa sa mga baryo. Siguro nga dahil sa itsura nito na maaliwalas at sa ugali nitong laging nakangiti kahit sa gitna ng pagod at mga gawain.

Naiisip din ni Ka Diday ang pamilya, namimiss na n’ya ang kanyang anak, sana ay kilala pa siya nito. Siguradong pahirapan na naman ang pag-alis lalu na at makikita n’ya ang anak na umiiyak at maghahabol. Andyan pa ang sumbat ng mga magulang at ang pag-aamuki ng mga ito na bumaba na siya, mag-aral na lang ulit at tapusin ang kurso at pagkatapos ay mag-abogado. Sigurado na aalukin din siya ng mga ito na pumunta na lang sa Amerika at isama ang anak.

Alam na ito lahat ni Ka Diday dahil kahit sa mga sulat ng magulang at kapatid ay ito ang laging sinasabi. Ang mabigat na emotional blackmail nila ay ang kanyang anak. Nagpasya na siya na pag ganun pa rin ang kalagayan ay bitbitin na n’ya ang anak at dadalhin sa sona, ito lang naman ang dahilan ng kanyang pagdalaw at kakayanin na naman sa mga konsolidadong baryo na maalagaan ito at mapapalapit pa sa kanya.

Inaayos ni Ka Diday sa kanyang isip ang mga sasabihin nang bigla siyang tinapik ni Ka Maya, “Oy lalim ng iniisip mo, may problema ba sa uuwian mo?” tanong nito.

“Ha?, wala. Ok lang d’on, naiisip ko lang ang anak ko” sagot ni Ka Diday. Inakbayan siya ni Ka Maya at inilapit sa katawan nito, tanda ng pakikiramay at suporta.

Nailang si Ka Diday ng maramdaman n’ya ang init ng katawan ni Ka Maya, bagamat aircon ang sasakyan ay nakaramdam ulit siya ng kakaibang init sa katawan.

Umaga na ng makarating sila sa Cubao, dito na sila nagpababa sa alyado. Kamayan ng mahigpit at paalaman, mga habilin ng pag-iingat sa mga kasama.

“Ka Diday, kain muna tayo bago tayo umuwi. May alam akong masarap na kainan dito.” yaya ni Ka Maya.

“Makatawag ka naman ng Ka, nasa Maynila na tayo no” nakangiting sagot ni Ka Diday

“O siya ano bang tatawag ko sa iyo dito at tayo ay kumain na, tomguts na ako.” Sabi ni Ka Maya.

“Diday na lang, ikaw si Maya. Sige kain tayo at iniisip ko na maya-maya pa ako uuwi. Medyo magpapadilim ako para disimulado ang dating ko. Baka umiikot pa rin sa amin banda ang animal na tatay ng anak ko e” wika ni Ka Diday.

“Ganun ba, kung gusto mo sa amin ka muna, mamayang gabi ka na umuwi. Ipapahatid kita sa papa ko sa inyo” sagot ni Ka Maya.

“Wag na, pero sige sama na muna ako sa inyo. Salamat ha?” Nakangiting sambit ni Ka Diday.

Inakbayan na lang siya ni Ka Maya at paayang naglakad papuntang Farmers Market doon sa may mga kainan ng sea foods.

Gusto din ni Ka Diday na makapunta sa bahay ni Maya, makita ang pamilya nito at background ng kabuhayan. SI ika nga kung sa kilusan yan.

Lumibot muna sila sa Cubao, malaki na ang pinagbago nito sa dami ng mga nakatayong malls at mga bagong istruktura.

Namili sila sa mga ukayan na parang kabute na sumulpot sa lugar. Mga damit na pangsona ang kanilang binili, ang ilan ay sa kanilang sariling gamit at namili din sila para sa mga kasama. Mabilis na natapos ang dalawang linggo na dalaw ng dalawa, at pagbalik sa sonang gerilya, mas maalab na sinalubong sila ng mga masa na nahaharap sa malalaking kampanya. Katapat nito ay ang ganting karahasan ng mga kaaway, na nagkakampo sa mga eskwelahan at sa gabi nagroronda. Ang mga natukoy na organisado ay hinaharas at may isa na nga na binaril habang namimili sa bayan.

Magpapasko na noon, maririnig na sa radyo ang mga awiting pampasko. May mga ilang bahay na rin ang makikitaan na nagsabit ng Christmas lights at mga dekorasyon. Sa isang mataas na bahagi ay tahimik na nakaabang ang yunit ni Ka Diday, andoon din si Ka Maya, ito ang unang laban ni Ka Maya at sa totoo lang ay kinakabahan siya ng matindi.

Subalit matagal nang nirereklamo ng mga taga baryo ang mga pasistang militar at madami na ring inutang na buhay ng mga inosenteng sibilyan. Maya-maya ay humahangos si Ka Hamin, ang CO ng milisyang bayan at siya ring G2 nila. “Mga kasama, paahon na sa kurbada ang kaaway, isang back to back sila, mga 8 ang laman.”

Nagkambit agad si Ka Sierra ng pormasyon at matamang inantabayanan ang ugong ng sasakyan. Si Ka Diday ay maaliwalas ang mukha, tiyak sa kanilang gagawin, naalala pa ni Ka Maya ang huling habilin nito, “mga kasama, sumunod sa kumand parati, wag sasaktan pag sumuko ang kaaway. Ingat at alerto lang.” ito huling habilin pakiramdam ni Ka Maya ay para sa kanya.

Busy ang isip ni Maya na nagmumuni-muni nang gulantangin siya ng signal fire, kasunod ay ang nakakatulig na putok. Naka-kneeling ang mga kasama sa pagpapaputok, si Ka Diday ay nakatayo at nakakubli sa isang puno ng akasya, nilingon siya nito at sinigawan “pumutok ka Ka Maya, iputok mo yang baril mo!”. Yon lang at parang sinilihan si Ka Maya, di n’ya alam na nai-full auto ang dala n’yang armalite kaya bugso ang putok agad nito. Para siyang nahimasmasan at nawala ang kanyang kaba, sa isip n’ya “putragis, hukbo na talaga ako!”.

“Abe asolt, klining!” sigaw ni Ka Sierra, nagbabaan mula sa paltok ang yunit ng Abe at isa-isang dinis- armahan ang mga nakahandusay na miyembro ng RSAF. Limang pulis ang patay kabilang ang CO nito na noturyos sa pagsalvage at protector pa ng droga, ang mga sugatan ay ginamot ng medic. “Sir wag n’yo po kong papatayin, may mga anak po ako” pakiusap ng isang pulis na may tama sa balikat. “hindi ka namin papatayin, gagamutin natin yang sugat mo kaya wag kang malikot” sagot ni Ka Gusting, ang medic ng Abe, “saka wag mo kaming tawagin na Sir, kasama na lang.” nakangiti ang pulis na ginagamot at laking pasalamat nito sa mga hukbo.

Halos tumagal lang ng apatnapung minuto ang labanan, at nagkumand na si Ka Sierra na umatras na ang yunit. Si Ka Maya ay ngiting-ngiti at naranasan na n’ya ang kanyang baptismal of fire, sa sobrang saya nito ay nayakap nito si Ka Diday na siya namang kinailang nitong huli.

Pasko at nagkakantahan ang hukbo sa kanilang ginawang kampuhan. Lumapit si Ka Diday kay Ka Maya at may inabot na maliit na sobre, “Merry Christmas kasama” sabi ni Ka Diday. “Ano ito, salamat naman Ka Diday” at binuksan ni Maya ang sobre, sa loob ay isang maliit na Christmas card na gawa sa collage ng mga pinatuyong damo at dahon, napaka-artistic, at may kasamang isang kwentas na gawa sa buto ng katigbi at beads na may palawit na bala ng armalite. Namula si Ka Maya sa regalo sa kanya pero inabot nya rin ang itinatago n’yang regalo na pinagawa n’ya pa sa isang kasama na katutubo. “Oy may regalo din siya o” biro ni Ka Diday at noong buksan n’ya ay isang pulseras na gawa sa binuklod na buhok ng anibong na halaman. “May kasama pa yan” sabi ni Ka Maya saka inabot ang nakabalot sa manila paper na tsokoleyt na Cadburry. Tuwang-tuwa si Ka Diday lalu na at mahilig ito sa tsokoleyt, “Saan mo ito nakuha?” tanong nito, “yong pulseras ay pinagawa ko kay Ka Hugo at yang Cadburry ay padala ng Nanay ko, last week di ba may package sa akin” sagot ni Ka Maya sabay ngiti nito na nawawala na naman ang mata.

Nang mag-isang taon si Ka Maya sa hukbo ay kasabay na rin na ihinapag nito ang programang ligaw kay Ka Diday, bagay na agad namang tinanggap ng kasama at di nagliwat ay naging magkarelasyon sila.

Sa isang bahay sa gilid ng baryo nahimpil sina Ka Diday at Ka Maya, apat silang bumaklas para magsemi-legal para sa gagawing pulong ng ekspansyon ng organizing. Maganda ang pwesto na ito dahil medyo mataas at kita ang paligid. Napapaligiran pa ito ng mga puno at halaman kaya sa malayo ay di iisiping may bahay pala na nakatayo.

Nagpaalam ang dalawang kasama na magpapaktura kaya naiwan sina Ka Diday at Ka Maya sa bahay. Nasa tumana ang may-ari ng bahay at nagpapapitas ng kamatis.

“Ka Maya dyan ka lang ha at maliligo lang ako sandali” sabi ni Ka Diday. May banyo ang bahay na tinuluyan nila kaya di na kailangang lumayo o lumabas pa pag maliligo.

Katatapos lang magbanlaw ni Ka Diday ng pumasok si Ka Maya sa banyo, ang pinto lang kasi nito ay kustanera at walang lock kaya madaling pasukin. Nakasuot lang ng panloob si Ka Maya, pag harap ni Ka Diday na walang saplot pag naligo ay laging gulat nito. “Anong ginagawa mo dito Ka Maya?” galit na tanong nito, pero siniil agad siya ni Ka Maya ng halik na nagpaalab agad kay Ka Diday. Bumaba ang labi ni Ka Maya at bumaybay ang dila nito na tila isang apoy, hanggang sa dibdib ni Ka Diday, nilaro-laro ng dila ni Maya at sinipsip ang naninigas na utong ni Ka Diday. Napapaungol na ang huli sa ginagawa ni Ka Maya. Pagkatapos ay bumaba si Ka Maya at marahang ibinuka ang hita ni Ka Diday, dito ay naglaro muli ang dila at sinipsip ang pagkakabae ni Diday, kasunod ay ipinasok ang daliri nito sa lagusan na basang- basa na. Kanda-ungol at parang nangingisay si Ka Diday sa ritmo na ginagawa sa kanyang kaselanan.

Maya-maya lamang ay may pumutok sa kanyang puson kasabay ng isang ungol na galing sa kaibuturan ng kanyang pagkakababae.

Dali-dali silang lumabas ng banyo at nagtungo sa kwarto. Ihiniga ni Ka Diday sa papag si Ka Maya at maliksing tinanggal ang suot nitong bra at panty. Tumambad ang kaselanan nito at lalung nag-init si Diday dahil sa mamula-mula ang utong ni Ka Maya at matambok ang kaselanan, bahagyang ahit din ang buhok nito sa ibaba. Naglumunoy ang kanilang katawan sa di matighawang pagtatalik. Pinagsugpong nila ang kanilang mga pagkababae at sabay na gumiling na tila isang baylerina sa tanghalan. Sang saglit lamang ay sabay silang nakaraos sa unang pagtatalik na iyon at parehas na lantang gulay na nahiga sa papag.

Hinalikan ni Ka Diday si Ka Maya sa labi at binulungan na mahal na mahal n’ya ito, gumanti din si Ka Maya at sila’y naidlip na magkayakap.

Nagising na lang sila nang may naulinigan na mga boses sa labas. Dali-dali ay nagbihis ang dalawa at nag- ayos ng sarili. Patay-malisya kunwari na walang anumang naganap na kakaiba.

“Ka Diday, may dala kaming mga kamatis at ito o saging na saba, ilaga natin” banggit ng may-ari ng bahay na nakangiti sa kanila at di makikitaan na nagdududa ito.

“Sige po masarap nga yan” sabay kuha ng mga saba at gumayak na para ilaga. “Masarap po yang kamatis, ang pupula.” Sabat naman ni Ka Maya, “Magpasta tayo Ka Diday, kahit kamatis lang pwede na yon” dagdag pa nito.

“Sige Ka Maya, pabili tayo ng ispageti noodles, patikman natin sila Inang ng pasta” sagot naman ni Ka Diday na lumabas na galing kusina at inakbayan pa ang maybahay na nakangiti sa dalawang magandang kasamang babae.

Nang sumunod na taon ay pormal na ikinasal na ang magkasintahan, nilagom ang kanilang relasyon at pinuna ang mga kahinaan. Sa pagdiriwang ay dumalo ang kani-kanilang pamilya, kasama din ang anak ni Ka Diday.

Isinabay sa anibersaryo ng Partido ang kasal kaya dagsa ang mga panauhin. Iyon din ang kauna-unahang kasal na pareho ang kasarian sa rehiyon na yon. Parehas na nakaparachute ng itim na pantalon ang magsing irog at ang pantaas ay puting tisirt na may tatak ng BHB, makisig ang mga tindig nilang dalawa lalu na at parehong responsable sa yunit. Si Ka Diday ay kabilang sa pamunuan ng sub-regional command at si Ka Maya ay Instruktor Pampulitika ng platun at kasapi ng pamunuan ng larangan.

Gabi na nang natapos ang pagdiriwang, sinamahan din ng dalawa ang kanilang mga pamilya sa baryong tutuluyan nila. Magkatabi sila sa kama at tanging huni ng palaka ang maririnig, “Mamya uulan sigurado” sabi ni Ka Diday. “E di maganda, malamig, masarap matulog” sagot naman ni Ka Maya sabay dantay at halik sa asawa nito.

Sang saglit lang ay hubo’t hubad na silang dalawa at ginagawa ang ritwal ng mag-asawa. Kasunod ay ang kulog at kidlat at buhos ng malakas na ulan. Bumangon sandali si Ka Maya at may kinuha sa kanyang bakpak. Nagtataka si Ka Diday pero nawala ang pagtatanong nito ng magsugpong ulit ang kanilang mga labi.

Habang magkabaliktaran sila ni Ka Maya ay naramdaman ni Ka Diday na may ipinasok ito sa kanyang kaselanan, malaki ito at kumikibot-kibot. Nilakasan pa ni Ka Maya ang vibration nito at tila mapapasigaw si Ka Diday sa kiliting dinadala nito. Halos makagat niya ang kaselanan ni Ka Maya dahil sa nararamdamang sensasyon lalu na at naglabas pasok na ito sa kanyang kaselanan. Ito pala ang sinasabi ni Maya na sorpresa sa kanya, ang vibrator nito na may habang walong pulgada at anim na diyametro ang bilog, may mga butol-butol pa ito at may nakausli na mga tatlong pulgada sa ibabaw na sakto na tatama sa butas ng puwet. Habang naglabas-masok ang instrumento sa pagkababae ni Ka Diday ay sinasabayan naman ni Ka Maya ng pagdalirot sa kuntil nito nang kanyang daliri at dila, lalung tumaas ang libido ni Ka Maya pag nalalanghap n’ya ang amoy na pag-aari ni Ka Diday na amoy dayami sa panahon ng anihan. Sandali lang ay nilabasan na si Ka Diday at ang ungol n’ya ay nilunod nang malakas na ulan. Itinihaya ni Ka Diday si Ka Maya, naghinang ang kanilang labi. Pababa ay gumapang ang halik at dila ni Ka Diday, mula sa leeg hanggang sa dibdib ni Ka Maya na tigas na tigas na ang utong, naglaro ang bibig doon ni Ka Diday at parang sanggol na sinibasib ito. Mula sa dibidb ni Ka Maya ay namaybay ang labi ni Ka Diday hanggang sa marating nito ang kaselanan ni Ka Maya, dito ay parang munting apoy na naglaro ang dila nito na nagbigay ng ibayong kilig sa katalik, may ibang halimuyak din ang kaselanan ni Ka Maya na parang katulad ng halimuyak ng hamog sa mga dahon ng damo sa parang. Isinaklang ni Ka Diday ang mga makikinis at maputing hita ni Ka Maya sa kanyang balikat at tila marino na sumisid sa kaselanan ng babae. Umikot-ikot ang dila ni Ka Diday sa munting perlas ng pagkakabae ni Maya, at naglabas masok ang dila at daliri nito sa lagusan ng katalik, parang kinukuryente ito at sunod-sunod na umusal ng ungol at halinghing na tila mapupugto ang hininga. Sandali lang ay nakaramdam na si Maya ng tila may sasabog sa kanyang pagkababae at mahigpit n’yang nahawakan sa buhok si Diday at halos isubsob na sa kanyang pagkababae. Kasunod noon ay pinatuwad siya ni Ka Diday habang sinisibasib pa rin ang kanyang kaselanan, nang naglalawa na ito ay saka ipinasok at ipinadalus-dalos ni Ka Diday ang vibrator, itinodo din nito ang vibration at nagbigay ito ng ibayong sensasyon sa katawan ni Ka Maya, parang sawa na nagkanda-kisay ito at di nagtagal ay may pumusitsit sa kaselanan nito. Natawa si Ka Diday dahil basa ang sapin ng kanilang higaan, si Ka Maya naman ay parang ginulpe sa sobrang panlalata.

Tumitilaok na ang mga manok ng maidlip ang bagong mag-asawa, hinayaan lang sila ng mga kasama dahil alam nilang honeymoon ng mga ito.

Bumangon na lang ang dalawa ng magpaalam na ang kani-kanilang pamilya at ihinatid na sa sasakyan palabas ng baryo.

Tinatanaw ni Ka Diday ang kanyang anak na nagbaba-bye, nilapitan siya ni Ka Maya at inakbayan at hinalikan sa buhok. Nang di na makita ang sasakyan ay sabay na silang pumasok sa bahay. Isinukbit ang mga bakpak at bitbit ang mga riple, umahon na sila sa bundok kasama ang platun para sa gaganaping pagsasanay sa gawaing pulitiko-militar ng mga bagong sampa sa hukbo.


Martina Santos is a seasoned community organizer, researcher, lecturer, and writer. A staunch paladin for the poor, the marginalized, and the abused, Martina spends much of her time aiding others in need. She also loves travelling, gardening, and cooking.
1+
Share this page

Leave a Reply